Nagsusulong ng social revolution nasa peligro raw
August 28, 2006 | 12:00am
Sa harap ng suliranin sa extra-judicial killings sa bansa, hindi lamang ang mga magiging biktima nito ang nanganganib ang buhay kundi maging si National Security Adviser Norberto Gonzales at mga tagasunod nito dahil sa isinusulong nilang social revolution sa bansa.
Isa lamang sa mga biktima nito kamakailan ay ang Aksyon Sambayanan transport leader sa Makati na si Ambrosio Paler, Jr., na napaslang noong Agosto 22 sa Pasay City.
Napatay si Paler dahil umano sa mariin nitong pagtutol sa pangha-harass at pananakot partikular na sa kanilang hanay. Si Paler ay presidente ng Samahan ng mga Operator- Drivers ng Jeepney Biyaheng Evangelista Libertad Inc. (Sodjobel).
Ang grupo ng Sodjobel ay nangangampanya laban sa mga kolorum na jeep na pumapasada ngunit hinaharas naman umano ng kalabang grupo kaya nagsampa ng kaso ang kanilang grupo sa Makati Regional Trial Court at Ombudsman.
Giit naman ng mga kasamahan ni Paler sa Sodjobel at Aksyon Sambayanan na namatay ito dahil sa paninindigang dapat na magkaroon ng pagkakapantay-pantay. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended