Ito ang inihayag kahapon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kasabay ng panawagan na suportahan ang pagbabago ng gobyerno tungo sa Parliamentary System.
Hiniling din ni Ramos sa Comelec na bigyang timbang ang tagumpay ng petisyon na lumagpas sa minimum constitutional requirements na 12 % na suporta mula sa mga rehistradong botante sa buong bansa na beripikado na rin ng election registrars sa bawat bayan at lungsod sa buong kapuluan.
Sinabi ni Ramos na ang pangunahing nagsusulong ng petisyon ay dapat gawin ang lahat ng legal na paraan ng argumento para makumbinse ang Comelec na ang petisyon ay "stands on a firm legal foundation" na magpapahina sa argumentong kumokontra rito.
Sinabi pa ni Ramos sa kanyang media officer na nananatili siya sa kanyang orihinal na proposal na ibasura ang kasalukuyang US-style bicameral presidential system para bigyang-daan ang pagpalit ng parliamentary govt. sa unicameral legislature.
Ayon kay Ramos, ang anim na dekadang kabiguan sa Presidential system ang gridlock sa 2-house Congress, ang naglalason sa politika at banta sa demokrasya sa Pilipinas, ang mga pangunahing dahilan kung bakit ipinaglalaban niya ang parliamentary govt.
Iginiit din ni Ramos ang computerization ng eleksiyon para burahin ang mga haka-haka sa kredibilidad at integridad ng electoral process.
Ang petisyon ay magkasamang isinulong ng Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at suportado ng mga dokumento na magpapatunay sa pirma ng 6.3 milyon botante na beripikado ng election registrars. (Ellen Fernando)