^

Bansa

MM babaho sa basura

-
Magiging problema na naman ng iba’t ibang bayan sa Metro Manila ang tapunan ng basura sa sandaling ipatupad ang Republic Act 2003 na nagbabawal sa operasyon ng mga open dumps at controlled dumps sa buong Metro Manila.

Nakatakdang ipatawag ng kinauukulang komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa hindi pagsunod sa RA 9003.

Nakasaad sa RA 9003 na matapos ang tatlong taon, dapat ay na-convert na ng lahat ng Local Government Units (LGUs) ang kanilang open dumps sa controlled dumps at pagkatapos ng limang taon, wala na dapat makikitang tapunan ng basura. Ang deadline sa pagpapasara ng mga open dumps ay noong Pebrero 16, 2004, at ang deadline para sa pagpapasara ng lahat ng controlled dumps ay noong Pebrero 16, 2006.

Sa kabila nang pagpasa ng nasabing batas, inamin ng National Solid Waste Management Commission na nasa 996 na ang tapunan ng basura na nag-ooperate sa bansa.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon, hindi isang simpleng problema ang basura dahil isa itong banta sa kalusugan ng mga mamamayan.

Inakusahan ng solon ang mga opisyal ng DENR ng gross negligence dahil ito ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na dapat magpatupad ng batas. (Malou Escudero)

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

MUNTINLUPA REP

NATIONAL SOLID WASTE MANAGEMENT COMMISSION

PEBRERO

REPUBLIC ACT

ROZZANO RUFINO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with