Ayon kay Tesda Director General Secretary Augusto "Boboy" Syjuco, ang ladderized education ay isang paraan ng pag-aaral na nagsisimula sa mga kursong Technical-Vocational (Tech-Voc) na maaaring magamit sa pagpapatuloy ng pag-aaral naman sa kolehiyo.
Ang isang estudyante ay magsisimula sa isang Tech-Voc module, na magagamit naman upang mabawasan ang mga aralin upang makakuha ng diploma sa kolehiyo, paliwanag ni Syjuco.
Sa pamamagitan ng ladderized education, mas magiging matipid ang pagkuha ng mga Tech-Voc na kurso kaysa sa mga tradisyonal na kurso sa kolehiyo. Sa ganitong paraan, ang isang estudyante ay magkakaroon ng pagkakataon na maka-pag-aral, kaalinsabay ng paghahanapbuhay na magagamit ang kanilang mga natutunan sa ilalim ng programa, ani Syjuco.
Nagbigay naman si Pangulong Arroyo sa TESDA ng 5,200 PGMA Training for Work Scholarship sa limang karapat-dapat na mga estudyante sa bawat ladderized na kursong pangkolehiyo.