NAIA 3, nabubulok lang
August 25, 2006 | 12:00am
Upang mapakinabangan na ng publiko at hindi mauwi sa tuluyang pagkasira, iginiit kahapon ni House Majority Leader at Davao City Rep. Prospero Nograles ang paggamit sa Ninoy Aquino International Airport Passengers Terminal III na nakatiwangwang pa rin sa kasalukuyan.
Ayon kay Nograles, dapat lamang pakinabangan ng publiko ang nasabing paliparan dahil mas moderno ang pasilidad nito at masisiguradong ligtas ang mga biyaherong naglalabas-pasok sa bansa.
"Its time to pay, take over and operate that airport. Thats what government should do. The Terminal 3 would further ensure the safety of the riding public in the light of terror threats," sabi ni Nograles.
Naniniwala si Nograles na tinatakot lamang ni Atty. Perfecto Yasay, abogado ng Asias Emerging Dragons Co. (AEDC) ang gobyerno matapos nitong sabihin na mahaharap sa malaking problemang legal ang gobyerno sa sandaling bayaran ang P3 bilyong utang sa Philippine Airport Terminals Corp. (PIATCO).
Ipinaliwanag ni Nograles na hindi krimen ang pagsunod sa mga ipinapalabas na court order.
Ang pagbabayad ng gobyerno sa PIATCO ay base sa ipinalabas na desisyon ng Supreme Court at Pasay City Regional Trial Court.
"It's not a crime to follow a court order that has become final and executory. Government officials are duty bound to follow orders of the court to avoid contempt of court. Its illegal not to follow a final court order. The position of Atty. Yasay that following court order to pay constitutes graft is misplaced," ani Nograles. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest