Alok na reconciliation ni Mikey, inisnab
August 25, 2006 | 12:00am
Hindi tinanggap ng mga complainants na naghain ng inilibing na impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo ang pakikipagkamay at rekonsilyasyong iniaalok ni Presidential Son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo.
Matapos bumoto pabor sa report ng House committee on justice na nagbabasura sa impeachment complaint kahapon ng madaling araw, nilapitan ni Mikey ang grupo ni dating DSWD Sec. Dinky Soliman na nakatulog na sa gallery ng Kamara.
Hindi rin tinanggap ng dating singer na si Leah Navarro na kalapit ni Soliman ang pakikipagkamay ni Mikey kaya walang nagawa ang huli kundi iwan ang grupo.
"Sorry I cant. We are not here to reconcile," ani Navarro.
Sa isang panayam, sinabi pa ni Navarro na hindi magkakaroon ng rekonsilyasyon kung walang hustisya.
Sa ginawang botohan, sinabi ni Mikey na bumoto siya ngayon para sa pagbasura ng impeachment complaint upang saklolohan ang kanyang "mother in distress."
Matatandaan na nag-inhibit noong nakaraang taon si Mikey at hindi sumali sa isinagawang hearing ng impeachment complaint laban sa kanyang ina.
Nakisali umano siya sa proseso ng impeachment ngayong taon dahil ito ang kagustuhan ng kanyang mga constituents. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am