P2-B sa oil spill inilatag
August 24, 2006 | 12:00am
Kumilos na ang Kongreso para sa mabilisang paglilinis ng oil spill sa Guimaras at inilatag ang P2 bilyong budget para rito.
Ayon kay Minority Leader Francis Escudero, hindi dapat ipaubaya ng gobyerno sa pribadong sektor ang paglilinis kundi dapat magtulung-tulong ang lahat para maagad ang tumagas na langis at hindi na lumawak pa ang epekto.
Ang P2 bilyon ay kukunin sa P46.4 bilyong supplemental budget kung saan babawasan ang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan sa Metro Rail Transit (MRT).
Kahapon ay nagpalabas na rin si Pangulong Arroyo ng P20 milyong para sa paglilinis sa oil spill, P10 milyon para sa Guimaras at tig-P5 milyon ang Iloilo at Negros Occidental na inabot na rin ng oil spill.
Gayunman, nilinaw ng Malacañang na ang pondo ay kailangang bayaran ng Petron Corp. sa pamahalaan. Ang Petron ang umarkila ng lumubog na MT Solar 1 na pag-aari ng Sunshine Maritime Corp.
Tiniyak naman ng binuong "special marine board inquiry" ng Philippine Coast Guard na mananagot sa batas ang lahat ng responsable sa naganap na pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni Rear Admiral Danilo Abenoja, chairman ng board, na hindi makakaligtas sa pananagutan sa batas maging ang mga opisyales ng Petron, Sunshine Maritime Corp., mga opisyales ng Marine Industry Authority (Marina) at maging mga tauhan nila sa PCG.
Tatanggalan naman ng lisensiya ng Professional Regulatory Commission (PRC) ang kapitan ng lumubog na tanker na si Capt. Norberto Agoro matapos mabatid na pinayagan nitong maglayag ang tanker kahit na nagkaroon ito ng butas sa cargo hull nito sanhi ng pag-apaw ng tubig at paglubog nito. Wala rin umanong kasanayan sa pamumuno ng oil tanker si Agoro dahil ang specialization nito ay mga chemical tanker.
Maaari namang sumabit ang Marina dahil sa pagbibigay ng permit sa MT Solar 1 na bumiyahe sa kabila ng kawalang kakayahan nito na maglayag dala ang 2 milyong litrong langis.
Sa huling report ay nanganganib na umanong umabot sa Masbate at Cebu ang oil spill kaya sinimulan na ang pagsaboy ng kemikal na pampatunaw ng langis para mapigilan ang pagkalat nito. (Malou Escudero, Lilia Tolentino At Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest