Ipinaliwanag si TESDA Director General Augusto "Boboy" Syjuco na sa halip mahinto sa pag-aaral, sa ladderized education program na nagdisenyo ng technical-vocational (Tech-Voc) training course na parang "hagdan" ay magaan na matatapos ng isang estudyante ang mapipiling kurso.
Sa sistemang ladderized education program, maaaring 6-7 taon bago makapagtapos sa kolehiyo sa dahilang pinagsasabay ng estudyante ang pag-aaral at paghahanapbuhay.
Gayunman, sa pagtanggap ng diploma ay marami na siyang karanasan at kaalaman sa ibat ibang trabaho na magiging kalamangan niya sa ibang traditional college degree holder na tuloy-tuloy na nag-aral sa loob ng apat na taon.
Ipinaliwanag din ng hepe ng TESDA na ang mga estudyanteng nakaabot ng 2nd year college ay bibigyan ng pagkakataong mapabilang sa ladderized education program ng TESDA at pagkakalooban pa ng P5,000 bilang tulong ng gobyerno sa mga pang-unang gastusin sa pag-aaral. Bago ito, nilinaw ni Syjuco na kailangan munang mag-enroll sa isang kaugnay na Tech-Voc ang interesadong pumaloob sa programa ng TESDA. (Edwin Balasa)