^

Bansa

Ladderized educ ni Syjuco magpapagaan sa magastos na kurso sa kolehiyo

-
Isinusulong ngayon ng gobyerno ni Pangulong Arroyo, sa ilalim ng pangangasiwa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang ladderized education program na magbibigay ng pagkakataon na mapagaan ang pagtatapos sa magagastos at matagalang kurso sa kolehiyo na hindi makayanang tapusin nang tuloy-tuloy ng isang karaniwang estudyante dahil sa kakapusan ng salapi at panahon.

Ipinaliwanag si TESDA Director General Augusto "Boboy" Syjuco na sa halip mahinto sa pag-aaral, sa ladderized education program na nagdisenyo ng technical-vocational (Tech-Voc) training course na parang "hagdan" ay magaan na matatapos ng isang estudyante ang mapipiling kurso.

Sa sistemang ladderized education program, maaaring 6-7 taon bago makapagtapos sa kolehiyo sa dahilang pinagsasabay ng estudyante ang pag-aaral at paghahanapbuhay.

Gayunman, sa pagtanggap ng diploma ay marami na siyang karanasan at kaalaman sa iba’t ibang trabaho na magiging kalamangan niya sa ibang traditional college degree holder na tuloy-tuloy na nag-aral sa loob ng apat na taon.

Ipinaliwanag din ng hepe ng TESDA na ang mga estudyanteng nakaabot ng 2nd year college ay bibigyan ng pagkakataong mapabilang sa ladderized education program ng TESDA at pagkakalooban pa ng P5,000 bilang tulong ng gobyerno sa mga pang-unang gastusin sa pag-aaral. Bago ito, nilinaw ni Syjuco na kailangan munang mag-enroll sa isang kaugnay na Tech-Voc ang interesadong pumaloob sa programa ng TESDA. (Edwin Balasa)

BOBOY

DIRECTOR GENERAL AUGUSTO

EDWIN BALASA

GAYUNMAN

IPINALIWANAG

ISINUSULONG

PANGULONG ARROYO

SYJUCO

TECH-VOC

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with