Inagurasyon ng bantayog ni Ninoy inisnab ni Cory
August 22, 2006 | 12:00am
Hindi sumipot kahapon si dating Pangulong Corazon Cory Aquino sa pagpapasinaya sa bantayog ng yumao niyang kabiyak na si dating Senador Benigno Aquino.
Ang inagurasyon ng bantayog na matatagpuan sa P. Burgos St., sa panulukan ng Roxas Boulevard , Maynila ay bahagi ng paggunita sa ika - 23 anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy na pinangunahan mismo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Bagaman wala si Cory ay naroroon ang kaniyang mga anak na sina Tarlac Rep. Noynoy Aquino at Kris na dumalo kasama ang mga kapatid ng yumaong Senador na sina Makati Rep. Butz Aquino, dating Senadora Tessie Aquino Oreta , Paul Aquino, Lupita Kasihawara at Raul Aquino Limchauco.
Sinabi naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi nakadalo si Cory dahilan mayroong kahiwalay na okasyong dinaluhan ang kaniyang pamilya. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest