Ito ang ginawang pagbatikos kahapon ng dalawang partylist group sa panukalang batas ni Gordon hinggil sa planong pag-aamyenda sa Republic Act # 8436 o Election Automation Law.
Sinabi ni Danilo Singh, Vice President ng Alyansa ng Sambayanan para sa Pagbabago (ASAP) at Penny Disimban, Chairman ng Assalam Partylist, magiging dagdag na pasanin ng taumbayan ang umanoy bill ni Gordon kaya ngayon pa lamang ay binibira na nila ito.
Ayon sa mga ito, ang plano umano ni Gordon ay magbibigay din ng long overdue sa matagal ng isinusulong na electoral reform and modernization sa Commission on Elections.
Idinagdag pa ng mga ito na kung nais ni Gordon at iba pang mambabatas na magkaroon ng reporma sa darating na 2007 election at upang maiwasan na ang pandaraya sa tuwing may halalan ay dapat lamang umanong gamitin ang Automated Counting Machine (ACM) na binili ng Comelec sa Mega Pacific Consortium. (Mer Layson)