Ayon kay UN Sec. General Kofi Annan, may 49 French soldiers ang kauna-unahan pa lamang na tumulak patungo sa southern Lebanon mula sa 15,000 peacekeepers na ipinangako ng UN. Umaabot na sa 200 contingent ang ipinadala ng France.
Ang UN peacekeepers ay naatasang tumulong sa tropa ng Lebanon para magpatupad ng kaayusan sa nasabing lugar matapos ang matinding bakbakan sa pagitan ng Hezbollah at Israeli forces.
Bukod dito, naghahanda na rin ang 200 UN peacekeepers na tutulak ngayon sa Lebanon para sa reinforcement.
Nitong Sabado ay muling nagkasagupa ang Hezbollah at Israeli troops at sinasabing kapwa lumabag ang mga ito sa ceasefire na ikinasawi ng isang Israeli official at ikinasugat ng dalawa pang sundalo.
Samantala, isa na namang Pinay domestic helper ang umuwing naka-wheelchair matapos na tumalon sa apartment ng kanyang among Lebanese.
Si Miramar Flores, ay masuwerteng nabuhay subalit iniinda pa rin ang kanyang inabot na pilay dahil sa pagtalon nito sa bintana ng dalawang palapag na apartment ng amo matapos na pagbawalan na makauwi sa Pilipinas.
Si Flores ay kabilang sa 29 Pinoy evacuees na dumating sa NAIA kahapon. (Ellen Fernando)