^

Bansa

Bilang ng mga biktima ng political killings, inimbento lang — Gonzales

-
Nag-iimbento lamang umano ng pekeng listahan ng biktima ng political killings ang mga rebeldeng komunista upang may maibintang sa gobyerno.

Ito ang ibinulgar kahapon ni National Security Adviser Norberto Gonzales matapos na madiskubreng buhay pa pala ang sinasabi ng mga rebeldeng komunista na isang nangngangalang Edwin Mascarinas na biktima ng political killings.

Lumalabas na si Mascarinas ay dinukot noong April 13, 2004 sa Bongabong, Mindoro Oriental ngunit naglabas ito ng affidavit upang patunayan na siya ay buhay pa na taliwas sa mga ulat na miyembro umano siya ng militanteng grupong Anak Pawis na napaslang ng mga military.

Ayon pa kay Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, bukod sa isa itong sampal ay dapat itong ihingi ng tawad ng mga human rights advocates at iba pang makakaliwang grupo.

Aniya, dapat na i-"double check" ng mga grupo ang kanilang mga talaan dahil posibleng marami pa umanong mga pekeng pangalan na namatay na nasa kanilang listahan. "There could be other Mascarinases out there. This misreporting only proves that the veracity of reports of human rights groups belonging to or infiltrated by the extreme left is questionable," dagdag pa ni Gonzales. (Joy Cantos)

ANAK PAWIS

ANIYA

AYON

BONGABONG

EDWIN MASCARINAS

GONZALES

JOY CANTOS

MINDORO ORIENTAL

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with