Killers ni Ninoy patawarin, palayain na!
August 21, 2006 | 12:00am
Matapos ang 20 taong pagkakakulong, muling umapela ang mga sundalong inakusahang pumatay kay dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. na silay patawarin na at palayain.
Sa pamamagitan ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), hiniling ng mga sundalo kay Pangulong Arroyo na pagkalooban sila ng Presidential pardon dahil silay matatanda na at nagkakasakit na.
"The VACC respectfully requests Her Excellency to grant absolute pardon without necessarily admitting any guilt on the part of the ex-soldiers who were "wrongly convicted" of the Aquino Galman double murder case on August 21, 1986," ani VACC Chairman Dante Jimenez sa kanyang liham sa Pangulo.
Ayon kay Jimenez, ang natitirang 13 sundalo na may ranggong mula Army technical sergeants hanggang Captains bago sila makulong ay mahigit 70 anyos na.
Ang pang-14 sundalo na si Cordova Estello ay namatay na matapos mapatay sa loob ng selda noong Disyembre 2005 dahil sa pakikipag-rambol umano sa kapwa preso.
Ang 13 pang convicted na sundalo at patuloy na sinisilbi ang kanilang double life sentence sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP) ay kinilalang sina Ramon Bautista, Pablo Martinez, Rodolfo Desolong, Ernesto Marco, Rolando de Guzman, Ruben Mapano, Rogelio Moreno, Jesus Castro, Filimeno Miranda, Claro Bat, Arnulfo Artates, Arnulfo de Mesa, Felizardo Taran at Mario Lazaga.
Karamihan sa mga akusado ay may malubhang sakit at kuwalipikadong mabigyan ng Presidential pardon.
Iginiit ni Jimenez na sa pinakahuling testimonal evidence ay nagpapatunay na si Rolando Galman ang bumaril at pumatay kay Ninoy bagaman nabigo ang depensa na maiprisinta ito sa pagilitis dahil hindi umano sila nabigyan ng pagkakataon dahilan para silay humingi na muling buksan ang kaso.
"We hope that this letter be favorably acted upon for the sake of justice and humanitarian reasons for the soldiers and their families," pahayag ni Jimenez.
Ang panawagan ay isinabay sa paggunita ngayon sa ika-23 taong pagkamatay ni Ninoy. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended