Holiday bukas
August 20, 2006 | 12:00am
Non-working holiday bukas sa buong bansa bilang paggunita sa ika-23 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino.
Nilinaw ng Malacañang na hindi na kailangan pang magpalabas ng proklamasyon si Pangulong Arroyo dahil may umiiral nang batas, ang Republic Act 9256, na nagtatakda na pista opisyal ang Agosto 21 ng bawat taon.
Si Ninoy ay napaslang noong Agosto 21, 1983 sa Manila International Airport (NAIA na ngayon) nang bumalik siya sa bansa mula sa self-exile sa Amerika.
Ang pagkamatay ni Ninoy ang naghudyat ng People Power 1 noong Pebrero 1986 na nagpatalsik sa puwesto kay dating Pangulong Marcos at nagluklok kay Corazon Aquino bilang pangulo mula 1986 hanggang 1992. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended