^

Bansa

‘Walang retake’—DOJ

- Ni Ludy Bermudo -
Kung si Justice Secretary Raul Gonzalez ang tatanungin, hindi niya papayagang magkaroon ng "retake" ng pagsusulit ang mga nursing student matapos sumingaw ang leakage.

"Hindi dapat pahirapan ang mga estudyante, ang dapat imbestigahan, kasuhan at parusahan ay ‘yung matutukoy na sangkot sa leakage," anang kalihim.

Iginiit ni Gonzalez na malamang na hindi lahat na kumuha ng eksaminasyon ay nakinabang sa nasabing leakage lalo’t ang iba ay nagmula pa sa Mindanao o malayong lalawigan kaya hindi dapat madoble ang hirap ng mga ito sakaling ipatupad ang muling pagsasailalim sa examination.

Kinampihan din ni Gonzalez ang naging pahayag ni Philippine Regulatory Comission (PRC) spokesperson Leonor de la Rea na balido ang naging oathtaking ng mga board passers kahit pa nagpalabas ng temporary restraining order ang Court of Appeals (CA).

"Technically and legally, once na nakapasa na sa exam, okey na. ‘Yung oathtaking, formality lang ‘yun.. seremonya," anang kalihim.

Sa opinyon ni Gonzalez, nilinaw niya na ang mga pasadong nurse na sumailalim na sa panunumpa ay isa nang ganap na nurse at hindi maituturing na "not valid" ang oathtaking kahit nagpalabas ng TRO ang CA kamakalawa.

"The TRO concerns the action that has not been done. Status quo ante means injunction should be first before the oathtaking kaya yung naunang nanumpa, valid yun," dagdag pa ng kalihim.

Inihalimbawa niya ang naging kontrobersiyal na leakage sa Bar exams kung saan ang ginawa umano ng mga Examiner ay pinalitan lahat ng questionnaire na hinihinalang kabilang sa leakage kaya hindi na lumaki pa ang problema.

Puwede rin umanong i-adjust o i-nullify ang bahagi ng resulta ng exam upang hindi maapektuhan ang kabuuan.

COURT OF APPEALS

GONZALEZ

IGINIIT

INIHALIMBAWA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KINAMPIHAN

LEONOR

PHILIPPINE REGULATORY COMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with