First Family may multi-million $ account sa Germany
August 19, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may multi-million dollar account sa Germany ang isang miyembro ng pamilya Arroyo.
Ayon kay Deputy Minority Leader at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, ang bank account ay nasa Hypovereins Bank sa Germany at may hawak siyang ebidensiya na magpapatunay nito.
Bagaman itinanggi ni Cayetano na sabihin kung magkano ang laman ng nasabing account, napaulat naman na umaabot ito sa US$500M.
Magugunitang unang ibinunyag ni Cayetano sa kanyang talumpati sa hearing ng impeachment complaint ni Pangulong Arroyo sa House committee on justice na kabilang sa pitong kahon ng ebidensiyang hawak nila ang bank accounts ng mga Arroyo at ari-arian ng mga ito hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Ibinunyag din nito na may isang opisyal ng gobyerno ang nakabili ng kotseng Ferrari gamit ang pondo ng fertilizer fund. Pero hindi tinukoy ni Cayetano kung sino ang sinasabing opisyal.
Ayon pa kay Cayetano, may mga testigo at ekspertong hawak ang oposisyon na makakapagpatunay kung sino ang may-ari ng bank account sa Germany na mayroon umanong multi-million dollar na deposito.
Sinabi pa ni Cayetano na hindi sila maaaring mag-imbento ng account number at kabilang ito sa mga ebidensiyang ayaw pabuksan sa isinagawang pagdinig ng impeachment complaint. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended