Sinabi ni Atty. Melanie Trinidad na automatic na sinumang hukom na magpalabas ng warrant of arrest na maisampa na sa husgado ang kaso. Alam anya ito ng lahat ng abugado.
"Ang warrant ay inihain lamang. Ang paghahain ng warrant ay iisang bagay. Ang pagpapatupad nito ay isa nang usapan. Huwag na nating ipako sa krus ang hukom sapagkat ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin," ayon kay Trinidad kasabay ng pagtanggi sa paratang ni Estrada na si Arroyo ay may kinalaman sa pagpapalabas ng arrest warrant.
Pinuna pa ni Trinidad na ang paghahain ng warrant of arrest ay isang proseso ng batas na walang ipinupuwera, sapagkat walang sinumang nilalang na hindi saklaw ng batas.