GMA nasa Cloud 9 JDV
August 18, 2006 | 12:00am
Mistulang nakarating sa "glorya" si Pangulong Arroyo matapos ibasura ng House committee on justice ang impeachment complaint laban sa kaya.
Ayon kay House Speaker Jose de Venecia, tinawagan siya ni Pangulong Arroyo matapos ang isinagawang botohan ng komite kamakalawa ng gabi at para itong nasa "Cloud 9" habang nagpapasalamat sa kanya dahil sa pakakabasura ng reklamo.
"She was in high heavens," ani de Venecia kaugnay sa pagtawag sa kanya ng Pangulo.
Sa botong 56-24 ay idineklara ng komite na "insufficient in substance" ang impeachment complaint.
Sa darating na Martes ay ipiprisinta ng justice committee sa plenaryo ang report nito kung saan pagbobotohan ito ng lahat ng kongresista.
Kailangan ng oposisyon ng 78 boto o 1/3 ng kabuuang membership ng Kamara upang mabaligtad ang naging desisyon ng komite na ibasura ito.
Pero ayon kay de Venecia, malabong makakuha ng kahit 35 boto ang oposisyon, hindi tulad noong isang taon kung saan 51 solon ang sumuporta sa reklamo.
Nanawagan naman si Pangulong Arroyo sa sambayanang Pilipino na talikuran na ang isyu ng impeachment at magkaisa na sa pagsusulong ng mga programang pangkaunlaran ng bansa.
"Let us just move on with life and our work. To be fixated in the events of the past will guarantee us a future of disruption of interrupted growth and overlooked opportunities," sabi ng Pangulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest