Surprise witness sa nursing leakage lumutang sa Senado
August 17, 2006 | 12:00am
Isinangkot kahapon ng isang surprise witness ang isang mataas na opisyal ng Philippine Nursing Association (PNA) at may-ari rin ng nursing school na umanoy utak ng leakage sa nakaraang board examination.
Ayon kay Dennis Alba Bautista, BS Nursing graduate ng Philippine College of Health and Sciences, Inc. (PCHS) sa Recto, Maynila, ang "leakage" ng review center ay galing kay George Cordero, pangulo ng PNA at may-ari rin ng PCHS.
Sinabi ni Bautista na ipinagmalaki sa kanya ni Cordero na ang leakage na nakuha ng R.A. Gapuz Review Center ay galing lamang sa kanya matapos na mai-leak ito ng isang estudyante.
Si Cordero umano ang siyang humugot ng questionnaire sa nursing board examination mula sa kakutsaba nitong miyembro ng Board of Nursing (BON).
Lalong nalubog si Cordero ng ibunyag naman ni Letty Kuan, member ng BON na sa isang pagtitipon sinabi sa kanya ni Cordero na hindi umano siya mag-iinvest ng P7 milyon sa pagpapatayo ng nursing school at review center kung hindi mapapakinabangan ang koneksiyon sa PRC at BON.
Kinontra naman ni Sen. Richard Gordon nag boluntaryong pag-retake ng pagsusulit para sa mga nurses na iminungkahi ng PRC-BON dahil hindi ito ang solusyon sa problema. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest