Ayon kay Joel Maglunsod, secretary general ng KMU, may kutob silang gagamitin na naman sa posibleng hokus-pokus sa 2007 elections ang pondo sa naturang proyekto.
Sinabi nitong paplantsahin lamang umano ng administrasyon ang mga gagawing anomalya kabilang na rito ang pagpapalakas sa kanyang legal team para maidepensa ang mga gagawing proyekto.
Giniit pa ni Maglunsod na bihasa umano sa mga scam ang kasalukuyang administrasyon tulad ng mga nakalipas na kuwestyunableng Northrail project, fertilizer fund scam at maging ang umanoy paggamit sa maling paraan ng pondo ng OFWs kaya hindi na anya kataka-taka pang muling magamit sa illegal na paraan ang super region fund.
Inaasahang gagastos ang gobyerno ng P370 bilyon sa susunod na apat na taon para ilatag ang mga riles, daan, paliparan, daungan at mga proyektong pang-irigasyon bilang catalyst project sa programang super regions. (Angie dela Cruz)