Nabatid mula sa isinumiteng ulat ng LTO Region IV-A Lipa City sa tanggapan ni LTO chief Anneli Lontoc, ilan sa nakitang paglabag ng St. Rose bus ay ang illegal transfer of plate at sticker, delinquent registration, colorum, no body number, unauthorized of improvised plate,tampered sticker,illegal change of engine, maliban pa sa pagpayag ng pamunuan ng St Rose bus na magmaneho ang kanilang mga driver ng walang kaukulang lisensiya.
Ayon kay Lontoc, mayroong pananagutang kriminal at administratibo si Simundac dahilan upang kanilang irekomenda ang pagkansela sa prangkisa ng lahat ng unit ng bus company sa ahensiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Gayunpaman, upang matiyak na hindi magkakaroon ng white wash sa kaso ng St. Rose bus nangako si Lontoc na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon at sila din umano ang isa sa tatayong complainants, maliban pa sa mga operatiba ng TMG-NCR na nakahuli sa illegal na operasyon ng St. Rose bus.
Matatandaan kamakailan na hinuli ng TMG-NCR sa pangunguna ni P/Sr. Supt. Rodolfo Ganzon ang may 11 bus unit ng St. Rose sa kanilang isinagawang operasyon dahil sa kaduda-dudang plaka at mga dokumento kabilang din ang pagkakabisto sa mga bus ni Simundac na gumagamit ng kambal plaka.