Senado pasok sa Poro Point controversy
August 15, 2006 | 12:00am
Tiniyak ng pamunuan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang kanilang kooperasyon sa panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na magsagawa ng isang imbestigasyon ang Senado partikular sa pag-isyu ng DENR ng Cease and Desist Order (CDO) sa private operators ng Poro Point Seaport sa San Fernando, La Union dahil sa kawalan ng Environmental Compliance Certificate (ECC).
Ayon kay BCDA president Narciso Abaya Jr., tanggap nila ang mungkahi ni Sen. Santiago dahil magbibigay-linaw ang imbestigasyon sa mga isyu hinggil pa rin sa ginawang pagpasok ng mga ahensya ng gobyerno sa PPIC.
Sa resolusyon ni Santiago, dapat daw malaman sa imbestigasyon ang pagbalewala ng mga ahensya ng gobyerno sa isang lehitimong kautusan ng huwes para matiyak ang pangingibabaw ng batas.
Iginiit ni Abaya na inililigaw ang publiko sa tunay na isyu, dahil ang talagang usapin dito ay ang paglabag sa batas hinggil sa Kalikasan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended