Jueteng investigation bubuhayin uli ng Senado
August 15, 2006 | 12:00am
Iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na dapat nang buhayin ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa paglaganap ng jueteng matapos mabunyag na nagbalik muli ang naturang sugal na hindi lamang pinoprotektahan ng pulisya kundi sila pa ang nagpapatakbo nito.
Ayon kay Sen. Pimentel, dapat ipatawag ng senate committee on public order and illegal drugs upang gisahin si PNP director-general Oscar Calderon kaugnay sa akusasyon na mismong mga opisyal ng PNP ang nasa likod ng panunumbalik ng jueteng operations sa Luzon.
"It maybe time to restart the senate investigation into the jueteng game. The investigation was suspended on the understanding that it may be resumed if the circumstances warrant it," wika pa ni Pimentel.
Ayon kay Pimentel, hihilingin niya kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng senate committee on public order, na muling buksan ang jueteng investigation upang maipatawag ang mga bagong witness laban sa panunumbalik ng nasabing sugal.
Inakusahan kamakailan ni Archbishop Oscar Cruz ng Krusadang Bayan Laban sa Sugal at jueteng witness Wilfredo Boy Mayor na muling nagbalik ang jueteng operations sa Luzon partikular sa Albay na kinukunsinti umano ni Region 5 PNP director Victor Boco at Albay provincial director Roque Ramirez. Naunang lumutang ang dating jueteng witness na si Richard Garcia kung saan ay inilantad nitong tuloy ang jueteng operations sa Bicol areas.
Ayon naman sa isang impormante, ang mga jueteng operators sa Bicol ay sina Tony Ong sa 1st district ng Albay, Leony Lim sa 2nd district ng Albay, isang Juaning Garcia sa 3rd district ng Albay at Guinobatan.
Bukod sa Bicol, laganap na rin ang jueteng sa lalawigan ng Pangasinan, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Cagayan Valley at Northern Luzon na ang mga operator umano ay alyas Roland Villegas, Boy Bata, Mike Borja, Danny Soriano at Tony Ong. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended