Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na tuloy ang isasagawang evacuation ng mga OFWs para seguruhin ang kaligtasan nila sa posibilidad na sumiklab uli ang labanan.
Ayon kay Press Secretary at Presidential spokesman Ignacio Bunye, ipapatupad pa rin ng gobyerno ang evacuation at repatriation ng mga OFWs kahit umiiral ang ceasefire.
Sa panig naman ng DFA, sinabi ni Undersecretary Esteban Conejos, ipagpapatuloy ang evacuation kahit may ceasefire dahil sa pangamba na muling sumiklab ang gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Nagpadala na rin ang DFA ng "note verbale" sa Lebanese government upang payagang makaalis ang mga OFWs sa Beirut.
Sa tala ng DFA, umabot na sa 4,639 OFWs ang naiuwi sa bansa at may mahigit 25,000 pa ang nasa Lebanon.
Hinimok naman ni Education Secretary Jesli Lapus ang mga OFWs na nakapagtapos ng education na magturo na lamang muli sa ating bansa dahil mas kailangan ang kanilang kaalaman at talino dito.
Samantala, inihayag din ng DFA na pinalaya na ng kanilang abductors ang tatlong Pinoy na dinukot sa Nigeria.
Sinabi ni Usec. Conejos, ang mga pinalaya na pawang empleyado ng isang oil company ay sina Cornelio Fallaria, Daniel Monteagudo at Alberto Torres. (Lilia Tolentino, Ellen Fernando At Edwin Balasa)