^

Bansa

Peace muna!

-
Nagkasundo ang Israel at Lebanon sa panawagang tigil-putukan ng United Nations at nagsimulang umiral ang kapayapaan sa Lebanon kahapon.

Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na tuloy ang isasagawang evacuation ng mga OFW’s para seguruhin ang kaligtasan nila sa posibilidad na sumiklab uli ang labanan.

Ayon kay Press Secretary at Presidential spokesman Ignacio Bunye, ipapatupad pa rin ng gobyerno ang evacuation at repatriation ng mga OFW’s kahit umiiral ang ceasefire.

Sa panig naman ng DFA, sinabi ni Undersecretary Esteban Conejos, ipagpapatuloy ang evacuation kahit may ceasefire dahil sa pangamba na muling sumiklab ang gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Nagpadala na rin ang DFA ng "note verbale" sa Lebanese government upang payagang makaalis ang mga OFW’s sa Beirut.

Sa tala ng DFA, umabot na sa 4,639 OFW’s ang naiuwi sa bansa at may mahigit 25,000 pa ang nasa Lebanon.

Hinimok naman ni Education Secretary Jesli Lapus ang mga OFW’s na nakapagtapos ng education na magturo na lamang muli sa ating bansa dahil mas kailangan ang kanilang kaalaman at talino dito.

Samantala, inihayag din ng DFA na pinalaya na ng kanilang abductors ang tatlong Pinoy na dinukot sa Nigeria.

Sinabi ni Usec. Conejos, ang mga pinalaya na pawang empleyado ng isang oil company ay sina Cornelio Fallaria, Daniel Monteagudo at Alberto Torres. (Lilia Tolentino, Ellen Fernando At Edwin Balasa)

ALBERTO TORRES

CORNELIO FALLARIA

DANIEL MONTEAGUDO

EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

ELLEN FERNANDO AT EDWIN BALASA

IGNACIO BUNYE

LILIA TOLENTINO

PRESS SECRETARY

UNDERSECRETARY ESTEBAN CONEJOS

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with