^

Bansa

Israel, Lebanon nagkasundo sa tigil-putukan

-
Makakahinga na ng maluwag at mawawala na ang takot ng mga manggagawang Pinoy na lumilikas sa Lebanon matapos na magpalabas ang United Nations Security Council ng isang resolusyon na nag-aapruba ng "peace deal" sa pagitan ng Israel Defense Forces at Hezbollah militia matapos ang isang buwang digmaan na nagbunsod ng krisis sa Middle East.

Ayon sa report, in-adopt na kahapon ng hapon ng UN Security Council ang resolution nang pagkakaroon ng "full cessation" o pagtigil ng karahasan sa pagitan ng Israel at Lebanon at nag-alok ng magandang layunin para sa katahimikan at kaayusan sa katimugang Lebanon.

Sinabi ni UN Sec. General Kofi Annan na agad niyang ipatatawag at kakausapin ang mga kinatawan ng Israel at Lebanon upang itakda ang araw ng ceasefire o tigil-putukan,

Nakapaloob sa resolusyon ang pagbibigay ng awtorisasyon sa may 15,000 UN peacekeepers o UNIFIL upang tumulong sa Lebanese troops para i-kontrol at tuluyang sakupin ang lugar na inookupa ng Israeli forces sa Southern Lebanon.

Sa kasaysayan, simula noong 1978 ay naglagay na ng 2,000 UN peacekeepers sa Lebanon at ngayo’y aakyat sa 15,000. Ilan sa mga kasapi sa UNIFIL ay mga sundalong Pinoy na ipinadala ng gobyerno para sa humanitarian mission sa Gitnang Silangan.

Inamin ni Annan na maraming lider sa buong mundo ang nadismaya sa kabagalan ng UN Security Council sa pag-aksiyon sa usapin sa giyera ng dalawang bansa na ikinasawi na ng mahigit 800 katao.

Tumagal ang pagpapalabas ng resolusyon matapos umapela at umangal ang Lebanon sa unang draft na mananatili ang puwersa ng Israel sa Southern Lebanon kahit may idineklarang ceasefire. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

GENERAL KOFI ANNAN

GITNANG SILANGAN

ISRAEL DEFENSE FORCES

LEBANON

MIDDLE EAST

PINOY

SECURITY COUNCIL

SOUTHERN LEBANON

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with