Hinimok ni Ed Lucena, General Manager ng HRPC ang ating mga kababayang nurses na ipokus ang sarili sa magandang oportunidad sa Amerika tulad ng mga kababayang naging matagumpay at nagkaroon ng masaganang pamumuhay para sa kanila at sa kanilang pamilya.
Layunin ng HRPC na suportahan ang mga kuwalipikadong nurses sa kanilang pangangailangang pinansyal, tulong personal at immigration assistance bago pumirma sa kanyang employer. Dagdag pa nito ang mga pagsasanay, preparasyon at counselling upang malusutan nila ang napakahigpit na requirements ng gobyernong Amerikano.
Sa pakikipagtulungan ng Worldwide Health Staff Associates, patuloy itong nakikipag-alyansa sa mga pangunahing ospital at home care facilities sa Amerika upang dumami ang pupuntahan ng ating mga kababayang nurses.
Sa karagdagang impormasyon, tumawag sa tel. #7248601 to 06 (Manila office) o (032) 2549678 (Cebu office). Maaari ring bumisita sa website: www.hrpc.com.ph o kaya ay mag-e-mail sa nurses@hrpc.com.ph.