^

Bansa

Alternatibo para sa mga Pinoy nurses patungong UK

-
Nag-alok ng mabisang alternatibo at suporta ang isang pribadong ahensiya sa Pilipinas patungong Amerika para sa mga Pinoy nurses, matapos na mabatid na ipinatigil na ng gobyerno ng United Kingdom ang pagtanggap sa ating mga nurses. Inihayag ng Horizon Recruitment Pacific Corp. (HRPC), isa sa mga kinikilalang kumpanyang tumutulong sa mga nurses na nagsimula nang tumanggap ng mga aplikante patungong Amerika. Uunahin dito ang mga may naantalang aplikasyon sa UK.

Hinimok ni Ed Lucena, General Manager ng HRPC ang ating mga kababayang nurses na ipokus ang sarili sa magandang oportunidad sa Amerika tulad ng mga kababayang naging matagumpay at nagkaroon ng masaganang pamumuhay para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Layunin ng HRPC na suportahan ang mga kuwalipikadong nurses sa kanilang pangangailangang pinansyal, tulong personal at immigration assistance bago pumirma sa kanyang employer. Dagdag pa nito ang mga pagsasanay, preparasyon at counselling upang malusutan nila ang napakahigpit na requirements ng gobyernong Amerikano.

Sa pakikipagtulungan ng Worldwide Health Staff Associates, patuloy itong nakikipag-alyansa sa mga pangunahing ospital at home care facilities sa Amerika upang dumami ang pupuntahan ng ating mga kababayang nurses.

Sa karagdagang impormasyon, tumawag sa tel. #7248601 to 06 (Manila office) o (032) 2549678 (Cebu office). Maaari ring bumisita sa website: www.hrpc.com.ph o kaya ay mag-e-mail sa [email protected].

AMERIKA

AMERIKANO

ED LUCENA

GENERAL MANAGER

HORIZON RECRUITMENT PACIFIC CORP

HRPC

NURSES

UNITED KINGDOM

WORLDWIDE HEALTH STAFF ASSOCIATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with