Bukod sa barracuda, ipinagbabawal ding kainin ang red snapper at iba pang malalaking isda na ibinebenta sa mga pampublikong palengke.
Gayunman, ayon sa DOH, pansamantala lamang ang pagbabawal hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa insidente ng pagkalason ng mga residente.
Sa paunang pagsisiyasat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Central Office, lumitaw na ang isdang barracuda ay positibo sa kemikal na ciguatoxin.
"Ciguatoxin is produced by benthic microscopic dinoflagellates most popularly known as Gambaierdiscus toxicus. Ciguatera toxins are colorless, tasteless and unaffected by heating and freezing," paliwanag ng BFAR.
Matatagpuan umano ito sa internal organs ng mga isda tulad ng atay at ang epekto ng lason sa taong kumain nito ay mararamdaman matapos ang ilang oras.
Kasama sa mga sintomas ng pagkalason ang pagsusuka, pagtatae, pananakit ng katawan, temperature-sensory reversal, acute sensitivity to temperature extremes at panghihina. (Danilo Garcia)