^

Bansa

Partylist, militante hinimok kondenahin ang NPA attack

-
Maging ang mga militanteng grupo at mga partylist representatives ay hinimok kahapon ni National Security Adviser Norberto Gonzales sa pagtuligsa sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na umatake sa mga sundalong tumutulong sa mga evacuees sa palibot ng Bulkang Mayon.

Sinabi pa ni Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), ang karapatang pantao ay pandaigdigang usapin at lahat ng tao o grupo ay obligadong irespeto ito.

"The soldiers attacked by the rebels were not only out of combat situation; they were in a rescue operation, helping put to safety thousands of peasant families," wika pa ni Gonzales.

Aniya, hindi naman umano patas na ibato kaagad sa mga tao ng gobyerno ang mga hindi pa nareresolbang mga kaso ng extra-judicial killings dahil may mga indikasyon naman na ang mga may kagagawan nito ay ang mga rebeldeng tulad ng mga NPA.

Ayon naman kay Beth Angsioco, Aksiyon Sambayanan secretary general, nangyari ang nasabing insidente sa lugar na may kalamidad kung saan ay tumutulong lamang ang mga sundalo kaya’t dapat lamang na ito ay kondenahin.

"If the CPP-NPA has any regard for the people’ safety, they should allow the military to do their rescue work unhampered," pahayag pa ni Angsioco.

Binatikos din ni Sen. Ramon Revilla Jr. ang ginawang patraydor na pag-atake ng NPA sa mga sundalo na tumutulong sa paglilikas ng mga residente sa Albay.

vuukle comment

AKSIYON SAMBAYANAN

ALBAY

BETH ANGSIOCO

BULKANG MAYON

GONZALES

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLE

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

RAMON REVILLA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with