^

Bansa

PIATCO owner hiniling kasuhan ng money laundering

-
Iginiit ng kampo ni Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina na dapat isangkot umano ang major owner ng Philippine International Air Terminal Co. Inc. (PIATCO ) na si Cheng Yong sa kasong money laundering dahil sa maanomalyang pagpapatupad ng airport project.

Tinukoy ni Atty. Jose Bernas, legal counsel ni Rep. Baterina, ang mga dokumentong ginamit ng Fraport AG sa Estados Unidos kung saan sangkot ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 project at kinukuwestiyon ang halagang ini-invest umano ng Fraport sa paggawa ng pasilidad dito.

Upang mapatunayan na mayroon umanong naganap na corruption sa naturang proyekto, ibinunyag ni Bernas ang umano’y kuwestiyonableng pagwi-withdraw ni Yong sa bank account ng kontrobersiyal na PR man na si Alfredo Liongson noong September 27,2000 ng halagang P88,100.

Kinukuwestiyon ni Bernas ang umano’y hindi agad pagpapakita ng nasabing mga dokumento sa Pasay Regional Trial Court gayung naiprisinta na ito sa korteng lumilitis sa Estados Unidos.

Bukod sa mga photo copied na mga withdrawal slips mula sa Banco de Oro ay ipinakita din ni Bernas ang mga dokumento ng umano’y walang humpay na paglabas at pagpasok ng pera sa bank account ni Liongson sa Hongkong.

"I don’t know why the government has not brought out the evidence in its possession on fraud and corruption charges," ani pa rin ni Bernas.

Bunga nito’y malaki umano ang ebidensiya na ang kontrata sa pagitan ng NAIA terminal 3 at ng PIATCO ay maituturing na illegal .

"The Supreme Court says the NAIA 3 contract is illegal. But why the government pays Piatco more than the construction cost incurred by Piatco. It is obviously wrong," ani pa ni Bernas. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALFREDO LIONGSON

BERNAS

CHENG YONG

ESTADOS UNIDOS

FRAPORT

ILOCOS SUR REP

JOSE BERNAS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPINE INTERNATIONAL AIR TERMINAL CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with