Political asylum ni Bolante sa US, tinutulan
August 11, 2006 | 12:00am
Ipinabatid kahapon ng Senado sa US Department of Justice ang mahigpit nitong pagtutol kaugnay sa aplikasyon ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante para sa "political asylum" nito sa Estados Unidos.
Sa ipinadalang liham ni Sen. Magsaysay kay Attorney General Alberto Gonzales ng US Department of Justice, Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, nais lamang takasan ni Bolante ang kinakaharap nitong usapin sa P728 milyong fertilizer fund scam na pinaniniwalaang ginamit noong nakaraang 2004 elections na inimbestigahan ng Senado.
Sinabi ni Magsaysay, ilang ulit inimbitahan ng kanyang komite si Bolante kaugnay sa imbestigasyon sa fertilizer fund scam subalit ilang ulit din nitong inisnab ang komite hanggang sa magpalabas na ito ng warrant of arrest.
Sa ilalim ng Senate Committee Report no. 18 noong Marso 1, 2006 na nilagdaan ng 18 senador, ay napatunayang si Bolante ang naging arkitekto ng nasabing fertilizer fund scam kaya inirekomenda ng Senado na kasuhan ang dating opisyal ng Department of Agriculture ng plunder.
Sinabi pa ni Magsaysay, kaalyado ng administrasyong Arroyo si Bolante at hindi kaaway ng estado at malayo sa katotohanan ang katwiran nitong nanganganib ang kanyang buhay dahil sa banta ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) bagkus ay nais lamang niyang takasan ang kanyang kasong kinakaharap kaugnay sa P728 milyong fertilizer fund scam.
Idinagdag pa ng mambabatas, nais lamang lansihin at paglaruan ni Bolante ang gobyerno ng Estados Unidos para payagan siya sa aplikasyon nito sa political asylum upang matakasan ang kanyang kaso sa Pilipinas. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended