Itoy matapos na masabat ng NBI-Anti Graft Division ang 4, 500 kahon ng mga expired na gamot na nagkakahalaga ng P 20 milyon sa isang operasyon sa Sta. Maria , Bulacan nitong nakaraang Martes.
Nadakip sa operasyon ang mga suspect na sina Becia Manansala ng Guagua, Romeo Jingco ng San Pedro; pawang sa lalawigan ng Pampanga at Carlo Bartolome ng Iloilo City.
Sa ulat ng NBI, nakatanggap ito ng impormasyon ukol sa nagaganap na pamemeke ng mga gamot na ibinebenta sa publiko sa loob ng isang bahay sa # 2273 President Roxas, Sitio Perez, Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.
Bukod sa 4, 500 mga kahon ng gamot, nakumpiska rin ng mga ahente ang limang sako ng mga labels, dalawang drum ng hindi pa mabatid na mga uri ng tabletas at saku-sako ng mga drug powder. (Danilo Garcia)