^

Bansa

Misyon sa Mayon ‘wag isabotahe — GMA

-
Nanawagan kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na huwag guluhin o isabotahe ang misyon ng pamahalaan kaugnay ng isinasagawang rescue at relief operation sa mga residenteng apektado ng napipintong sumabog na bulkang Mayon.

Kahapon ay personal na sinaksihan ng Pangulo ang pag-alis ng tren ng PNR sa himpilan nito sa Buendia, Makati City para maghatid ng relief goods sa mga inilikas na mamamayan ng Albay na kinakanlong sa may 34 evacuation center sa lalawigan.

Ginawa ni Pangulong Arroyo ang pag-apela sa gitna na rin ng ginawang pananambang ng mga rebeldeng NPA sa rescue team ng Army’s 901st Infantry Brigade na ikinasugat ng limang sundalo kamakalawa sa bayan ng Daraga.

Kabilang sa ibiniyaheng mga relief goods ay kinabibilangan ng 40,800 delatang Maling luncheon meat at 150,000 metrikong tonelada ng mga damit para sa libu-libong evacuees.

Kaugnay nito, inalerto naman ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. ang tropa ng Task Force Mayon na maging handa at mapagmatyag sa posible pang pananabotahe ng mga rebelde sa mission team ng miilitar.

Binigyang diin ng Chief of Staff na kahit abala sa rescue mission ay hindi aatrasan ng AFP ang umaatakeng mga rebelde na nagagawa pang maghasik ng terorismo sa gitna na rin ng sitwasyon sa nag-aalburutong bulkan.

Iginiit naman ni House Minority Leader at Sorsogon Rep. Francis Escudero ang pagkakaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng militar at ng mga rebeldeng komunista dahilan makakadagdag lamang ito sa problema sa lalawigan. (Lilia Tolentino/Joy Cantos at Malou Rongalerios)

vuukle comment

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

FRANCIS ESCUDERO

HOUSE MINORITY LEADER

INFANTRY BRIGADE

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with