Ayon kay Isabela Rep. Edwin Uy, chairman ng House special committee on Bases conversion, aalamin ng komite ang umanoy paglabag ng Bulk Handlers Inc., isang private operator sa Poro Point Special Economic and Freeport Zone.
"We would like to be further clarified about the issues including the alleged lack of an ECC and other environmental violations committed by the port developer as pointed to by the DENR," sabi ni Uy sa kanyang liham sa Bases Conversion Development Authority Chairman Filadelfo Rojas at BCDA President and CEO Narciso Abaya.
Siniguro naman ni Abaya ang kooperasyon ng BCDA sa isasagawang imbestigasyon at handa nitong isumite ang kinakailangang mga dokumento ukol dito.
Ang pagpapalabas ng CDO ng DENR ay batay sa reklamo noong Abril ni San Fernando City Mayor Mary Jane Ortega at multi-partite fact-finding group sa paglabag sa environmental laws ng nasabing kumpanya sa Poro Point. (Rudy Andal)