Sinabi ni VP de Castro, pinuno ng binuong Task Force Lebanon, mas makakatipid ang gobyerno at mas mabilis ang paglilikas kung gagastusin na lamang ng pondo sa inaalok na barko ng Shipping magnate na si Antonio Antonio na mas malapit sa Lebanon.
Wika pa ni de Castro, gagamitin na lamang ang rescue ships ng PCG kapag kinakailangan.
Aniya, limitado lamang ang panahon na ibinibigay ng Cyprus para manatili ang ating mga OFWs sa kanilang teritoryo upang mailulan sila sa mga eroplano pauwi ng Pilipinas.
Bukod sa Cyprus, nag-alok din ang Bahrain upang puwedeng pagdalhan ng ating mga ililikas na Pinoy kung saan ay payag silang manatili ang mga OFWs hanggang 1 linggo.
Sabi kasi ng PCG, aabot sa P90 milyon ang kanilang kakailanganing pondo para sa krudo at panggastos sa kanilang paglalayag mula Pilipinas patungong Lebanon para ilikas ang mga OFWs patungo sa Cyprus o Syria. (Lilia Tolentino/Danilo Garcia)