Ito ang sinabi ni Antonio Halili, Pangulo ng Private Emission Test Center Operators Association, kayat napapanahon na aniya ang pagpapatupad sa naturang programa ng DOTC.
Ayon kay Halili, sa report ni George Bian, chairman ng Mindanao PETC Association , nagpatupad sila ng sariling interconnectivity system sa naturang rehiyon at dito ay nadiskubre nila na may mga motor vehicle file ng LTO ay hindi akma sa plate number at uri ng sasakyan.
Pinamamadali na ni DOTC Asst. Secretary at LTO Chief Anneli Lontoc ang implementasyon ng LTO IT- PETC interconnectivity upang sa madaling panahon ay maglaho na ang mga mauusok na sasakyan sa mga lansangan na siyang nagpapalubha ng polusyon sa hangin laluna sa Metro Manila.
Pumayag ang DOTC na maipatupad ang interconnectivity program ng LTO noong Enero 2006 upang higit na maitaguyod ang matagumpay na implementasyon ng Clean Air Act ng pamahalaan. (Angie dela Cruz)