Carnap vehicles, di na uubra sa LTO interconnectivity
August 9, 2006 | 12:00am
Bukod sa maaalis ang non-compliance, non-appearance sa pagrerehistro ng mga sasakyan sa Land Transportation Office (LTO), maiiwasan ding mairehistro ang mga carnap vehicles sa oras na maipatupad na ang LTO IT PETC interconnectivity.
Ito ang sinabi ni Antonio Halili, Pangulo ng Private Emission Test Center Operators Association, kayat napapanahon na aniya ang pagpapatupad sa naturang programa ng DOTC.
Ayon kay Halili, sa report ni George Bian, chairman ng Mindanao PETC Association , nagpatupad sila ng sariling interconnectivity system sa naturang rehiyon at dito ay nadiskubre nila na may mga motor vehicle file ng LTO ay hindi akma sa plate number at uri ng sasakyan.
Pinamamadali na ni DOTC Asst. Secretary at LTO Chief Anneli Lontoc ang implementasyon ng LTO IT- PETC interconnectivity upang sa madaling panahon ay maglaho na ang mga mauusok na sasakyan sa mga lansangan na siyang nagpapalubha ng polusyon sa hangin laluna sa Metro Manila.
Pumayag ang DOTC na maipatupad ang interconnectivity program ng LTO noong Enero 2006 upang higit na maitaguyod ang matagumpay na implementasyon ng Clean Air Act ng pamahalaan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended