Ayon kay Sen. Richard Gordon, wala namang kinalaman sa pulitika ang isinagawang imbestigasyon sa sinasabing "leakage" sa nursing board exam nitong June 11-12 pero hindi pinayagang makadalo ng Palasyo sina PRC Chairman Leonor Tripon-Rosero, Atty. Efren Meneses ng NBI-Anti Fraud Division at Engr. William Malitao ng CHED.
Sinabi naman ni Sen. Rodolfo Biazon, chairman ng senate committee on civil service and government reorganization, iisa lamang ang pattern ng sulat ng naturang mga opisyal na hindi dumalo sa pagdinig.
Iminungkahi naman ng mga kinatawan ng nursing schools na dumalo sa pagdinig na pakunin na lamang muli ng board examination ang may 42,006 examinees.
Sinabi naman ni Sen. Biazon, sa isang resolusyon ng PRC sa isinagawang fact-finding investigation ay natuklasan na dalawang miyembro ng Board of Nurses (BON) ang may neglect of duty dahil sa umanoy pag-leak ng may 20 items sa test 3 at 19 items sa test 5 ng nursing board exam na sina Virginia Madeja at Anesia Dionisio. (Rudy Andal)