^

Bansa

2 emission test center ipinasara

-
Muli na namang naipakita ni DOTC Asst Secretary at LTO Chief Aneli Lontoc at  DOTC Asst. Secretary for Special Concern at LTO-NCR Director Reynaldo Berroya ang kanilang political will hinggil sa paglalapat ng kaparusahan sa mga nagkakasala sa batas kahit sino pa ang mga ito.

Ito ay matapos maipasara ni Director Berroya ang  dalawang illegal emission test center  sa Malabon at Pasig City.

Ipinalabas ni Berroya ang cease and desist order laban sa  Wealth emission test center  na matatagpuan sa Gov. Pascual Ave., Crispin St., Tenejeros, Malabon na pag-aari ng isang Carmen Locsin at Sodesne Private Emission Testing Center na nasa 31 West drive cor. Capitol drive, Bo. Kapitolyo, Pasig nitong Hulyo 24 dahil sa paglabag sa criteria at conditions para sa accreditation.

Napatunayan batay sa isinagawang on-site inspection ng LTO-NCR PETC monitoring team, na ang Wealth emission testing center ay nag-ooperate ng walang authorization mula December 9, 2005 hanggang kasalukuyan samantalang ang Sodesne ay expire ang authorization nito mula Hulyo 11,2006 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa memorandum ng PETC Authorization committee noong Mayo 25, dapat nang itigil  ang operasyon ng Wealth emission at Sodesne hanggat walang naipagkakaloob sa mga itong LTO authorization. (Angie dela Cruz)

ASST SECRETARY

CARMEN LOCSIN

CHIEF ANELI LONTOC

CRISPIN ST.

DIRECTOR BERROYA

DIRECTOR REYNALDO BERROYA

HULYO

MALABON

PASCUAL AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with