Amo nabaliw, Pinay sa Israel inatado
August 7, 2006 | 12:00am
Isang Pinay domestic helper ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang among nabaliw kamakalawa ng hapon sa Israel.
Sa ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula kay Ambassador Antonio Modena sa Israel, ang biktima ay nakilalang si Elma Danao, 49 anyos ng Cagayan de Oro City.
Ayon sa report, limang beses sinaksak si Danao ng baliw na amo nito sa loob ng kanilang bahay bandang alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa Tel Aviv, Israel.
Nadakip naman daw kaagad ng Israeli police ang salarin pero hindi tinukoy ng mga awtoridad ang pangalan nito.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na bigla umanong sinumpong ng kanyang pagkabaliw ang suspek saka kumuha ng patalim at sinaksak ng 5 beses ang kawawang OFW.
Sinabi ni Amb. Modena, isinailalim na sa kaukulang awtopsiya ang bangkay ng biktima habang inihahanda na ang kaukulang mga dokumento para sa repatriation ng bangkay ng OFW pauwi ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni OWWA Administrator Marianito Roque na makakatanggap ng kaukulang P200,000 insurance benefits at P20,000 na burial assistance ang pamilya ni Danao. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest