Municipal treasurer ipinakukulong ng CA
August 6, 2006 | 12:00am
Ipinakukulong ng Court of Appeals (CA) ang isang Municipal Treasurer matapos mapatunayang nakadispalko ng P 1.5 milyong pondo sa lalawigan ng La Union.
Sa ipinalabas na desisyon ng CA 6th Division, ang ginawang pag-ako ng akusadong si Rosendo Fontanilla, Municipal Treasurer ng Tubao, La Union na kaniya na lamang babayaran ang nawawalang P1.5 M pondo ng bayan ay isang malinaw na pag-amin na rin sa kasalanan.
Dahil dito, kinatigan ng Appellate Court ang naging hatol ng Mababang Hukuman na makulong ng 18 taon si Fontanilla at pinagbabayad din ito ng multang P1 milyon.
Maliban dito, iniutos din ng CA ang diskuwalipikasyon kay Fontanilla na makahawak ng anumang posisyon sa alinmang sangay ng gobyerno.
Sa rekord ng korte, nabuking si Fontanilla sa ginawang paggamit ng pera ng bayan ng Tubao nang sorpresang magsagawa ng auditing ang mga kinatawan ng Commission on Audit (COA). (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended