"Were acting on a specific instruction from President Gloria Macapagal-Arroyo and PNP Chief Director General Oscar Calderon," pahayag ni Pan.
Kinumpirma ni Pan na ang drug racers sa Mindanao Avenue, Quezon City, Macapagal Avenue sa Roxas Blvd. at sa kabahaan ng Libis at C-5 Road sa Quezon City ay pansamantalng tumigil dahil sa mga pag-ulan dulot ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Sinabi ni Pan na pinababantayan na niya ang naturang lugar para hulihin ang mga drag racers na nagsisimula sa kanilang aktibidades mula alas-10 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling-araw.
"We want to put a stop on both drag racing and reckless driving in Metro Manila. Well be issuing traffic citation tickets on the abusive motorists as part of our campaign," dagdag pa ng opisyal. (Angie de la Cruz)