3 Pinoy dinukot sa Nigeria

Tatlong Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nagtatrabaho sa Bonny oil and gas complex sa Nigeria ang dinukot ng hindi nakilalang grupo noong Biyernes.

Ayon sa isang source, ang tatlong Pinoy ay dinukot sa Monkey island habang patungo sa kanilang trabaho sa Bonny oil and gas complex.

Ito ang pangalawang pangyayari na dinukot ang mga Pinoy workers sa Nigeria. Noong June 22 ay 2 OFW’s din ang dinukot sa Port Harcourt pero pinalaya matapos magbayad umano ng ransom ang kanilang employer.

Show comments