^

Bansa

FVR hinarap si Miriam sa Masinloc issue

-
Hindi inurungan ni dating Pangulong Ramos ang ginawang ‘paggisa’ dito ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanilang paghaharap kahapon sa Masinloc power plant deal investigation ng Joint Congressional Power Commission (Powercom).

Itinanggi ni Ramos sa pagharap nito sa Powercom na pinamumunuan ni Sen. Santiago na kakilala niya ang mga opisyal ng YNN Pacific Consortium Inc. at Ranhill Berhad Power Corporation.

Sinabi ni FVR, lalong hindi siya ang naging daan upang mabigyan ng extension ang pagbabayad ng $226 milyong downpayment ng YNN para sa 600-megawatts Masinloc power plant.

Inimbitahan ni Santiago si Ramos matapos lumutang ang pangalan nito na umano’y naging padrino ng YNN para mapalawig ang pagbabayad ng downpayment nito.

Nilinaw naman ni Finance Secretary Margarito Teves na hindi extension ang ibinigay sa YNN kundi "winding down period" mula July 6 hanggang August 6 upang makabayad ng downpayment at kapag nabigo sila ay mangangahulugan na ng termination ng contract.

Iginiit naman ng JCPC sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) na agaran na nitong kanselahin ang kontrata ng YNN-Ranhill Berhad matapos mabigo silang magbayad ng downpayment at kumpiskahin na lamang ang ibinayad nitong $14 milyong bond. (Rudy Andal)

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

JOINT CONGRESSIONAL POWER COMMISSION

MASINLOC

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PACIFIC CONSORTIUM INC

PANGULONG RAMOS

POWER SECTOR ASSETS AND LIABILITIES MANAGEMENT

POWERCOM

RAMOS

RANHILL BERHAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with