Kabilang sa naghain ng mosyon sa Kamara ay si Suzette Pido, ang kontrobersyal na nagpaabot ng "shut up" note kay dating Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen noong 2004 canvassing.
Ikinatwiran ng grupo ng kababaihan, mas mainam na asikasuhin ng mga kongresista ang pagpasa ng mahahalagang panukalang batas para sa kabutihan ng bansa at mamamayan kaysa mag-ubos ng oras sa panibagong impeachment complaint laban kay Mrs. Arroyo.
Aminado naman ang oposisyon na mahihirapan silang makuha ang 78 na lagda para masiguradong maiakyat nila kaagad sa Senado ang impeachment complaint. (Malou Escudero)