Ayon kay Malou Rosete, monitoring head ng Operations Division ng LTO, base sa kanilang record, mula taong 2004 pa ay wala ng kakayahang mag-operate bilang isang emission testing center ang Wealth emission.
Bunsod nito, inutos ni LTO Chief Anneli Lontoc kay LTO-NCR Director Reynaldo Berroya na tingnan at imbestigahan ang katotohanan na nag-ooperate pa rin hanggang sa kasalukuyan ang Wealth emission test center sa kabila na wala naman itong authorization sa LTO.
Samantala, magpapatupad ng bagong drivers license fee ang LTO simula sa Agosto 4 kung saan ay magiging P60.38 plus VAT ang bayad sa pagkuha ng lisensiya habang magiging P150.95 plus VAT ang sa pagrerehistro ng sasakyan. (Angie dela Cruz)