Ito ang sinabi kahapon ni Ex-Pres. Fidel Ramos nang magpahayag ng kahandaan humarap sa imbestigasyon ng Senado at Kamara sa Masinloc issue.
Nakatakdang magharap ngayong umaga sa isasagawang pagdinig ng Joint Congressional Power Commission (Powercom) sina Ramos at Sen. Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa imbestigasyon hinggil sa YNN Pacific con-sortium deal para sa Masinloc power plant.
Pinaunlakan ni FVR ang imbitasyon ni Sen. Santiago, chairman ng joint congressional power commission, kaugnay sa isasagawang imbestigasyon nito matapos lumutang ang kanyang pangalan na naging padrino umano ng YNN para sa pagpapalawig sa pagbabayad ng downpayment nito para sa Masinloc plant.
Iginiit pa ni FVR, wala siyang kinala- man sa pagbebenta ng shares ng YNN Pacific sa Malaysian firm na Ranhill Berhad Power Corporation kung saan ang karamihan sa mga opisyal nito ay miyem-bro ng UMNO na mayroong political ties sa pinamumunuan niyang LAKAS-NUCD-Christian Muslim Demo-crats.
"I do not have any direct or indirect involvement or interest, past or present, in the Masin- oc-YNN Ranhill Berhad transactions," paliwanag pa ng dating chief executive.
Bukod sa dating Pangulo, inaasahang dadalo din ang mga opis-yal ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), Energy Sec. Raphael Lotilla at ERC chairman Rodolfo Albano.
Inirerekomenda ni Santiago ang agarang kanselasyon ng kon-trata ng YNN para sa Masinloc power plant deal makaraang mabigong magbayad ito ng $227.54 milyong downpayment sa kabila ng ibinigay ditong deadline. Dalawang ulit binigyan ng palugit ang YNN pero nabigo itong magbayad ng downpayment at may plano pa daw itong bigyan ng panibagong deadline sa Setyembre.
Nagtataka din si Sen. Joker Arroyo, chairman ng senate committee on public services, kung paano nakuha ng YNN ang kontrata para sa P30 bilyong halaga ng 600-megawatt Masinloc coal-power plant sa kabila ng pagkaka- roon lamang nito ng P800,000 paid-up capital na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Naniniwala si Sen. Arroyo na illegal ang naging kontrata ng YNN para makuha ang Masinloc power plant bukod sa pinapasok din nito ang Ranhill Berhad Power Corporation na isang Malaysian power firm kung saan ay ibinenta ng YNN ang major shares nito. (Rudy Andal)