Ayon kay Petron Spokesperson Virginia Ruivivar, posibleng gagawin nilang lingguhang 50 sentimos kada litro ang itataas nila sa presyo ng produktong petrolyo upang hindi naman mabigla ang mga tao.
"Hindi malayo ang 50 centavos oil per liter price hike every week kasi mahirap naman biglain ng P2 per liter masyadong mahihirapan ang mga consumers," saad ni Ruivivar.
Wika pa nito na kinakailangan na nilang magtaas ng presyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan sanhi ng nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan dahilan upang kulangin ang supply ng langis sa local na pamilihan.
Samantala sinabi naman ng Total Philippines na balak din nilang magtaas ng P1.30 kada litro sa itinitinda nilang gasoline habang 50 sentimos naman kada litro sa diesel. (Edwin Balasa)